Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Sunday, February 7, 2010

Warning sa mga "Bakasyonistang OFWs, Balikbayan at sa lahat nating kamag-anak sa Pilipinas...

Got this in my facebook and think of sharing this so this won't happen again... Please READ...

Warning sa mga "Bakasyonistang OFWs, Balikbayan at sa lahat nating kamag-anak sa Pilipinas...

MAG-INGAT KAYO sa Metro Manila at sa ibang lugar sa Pilipinas

As received, I'd like to share this very important warning message for the hardworking fellow kababayans abroad who
are going on vacation to the Philippines ....


Mahalagang paala-ala sa ating mga kababayan na nagsisikap na makapagpundar ng salapi para sa kanilang pamilya.

Narito ang isa sa mga bagong karumaldumal na gawain ng mga bayarin na alagad ng batas para sila ay magkamal ng salapi
sa masamang paraan.

Kung kayo ay kumakain sa anumang Food Court , restaurant o fastfood ay mag-iingat kayo sa ganitong scenario... habang
kayo ay kumakain, may pwe-pwesto sa tapat ng lamesa nyo na isang tao (babae o lalaki) at ito
ay magkukunwaring kakain din, kalimitan ang suot ay parang balikbayan din. Gagamitin niya and kanyang cellphone at
malakas na mag sasalita
para makuha ang atensyon mo.

Bigla itong tatayo at a-akto na nagmamadali. Iiwanan niya sa table ang susi ng kotse nya. Dito ay dapat kang
mag-isip ng mabuti dahil sa oras na kunin mo ang susi at ihabol sa labas ng fastfood o restaurant para iabot sa
umalis na customer ay pagdating sa labas ay hindi mo na
makikita ang taong ito. Pag-balik mo sa loob ng fastfood or
restaurant, biglang may lalapit sayo na magpapakilalang pulis at sasabihin sayo na ikaw ay suspect sa carnapping, at
bubulungan ka na huwag mag-ingay at kailangang sumama sa labas dahil nandoon ang complainant, at may tatayo pa na
apat na tao sa loob ng fastfood o restaurant at magpapakilalang mga intel agent. Dito ay malilito ka na
at mapipilitan kang sumama sa labas.

ITO AY ISANG MALINAW NA FRAME-UP!

Kapag kayo ay nasa labas na, dito na magaganap ang pagpilit sayo na sumakay sa kotse nila upang ikaw daw dalhin sa
presinto subalit dadalhin ka nila sa lugar na halos walang tao at doon ka tatakutin na ipa-pa-media at sasampahan ng
kaso.

Ito na ang simula ng pag-alok nila sa iyo ng ibang option para hindi ka makasuhan. Ito ay ang pagbibigay mo sa
kanila ng pera, una ay hihingan ka nila ng P500,000.00 hanggang sa makipag ne- gosiate ka sa kanila.

KAYA PO MGA KASAMANG MGA OFW, MAG-INGAT PO KAYO SA PAGMAMAGANDANG LOOB
KAPAG NASA PILIPINAS.
IWASAN PO NINYONG DAMPUTIN ANG ANO MANG BAGAY NA MAIIWAN NG MGA KUSTOMER NA AGAW-PANSIN.

IPAALAM PO NATIN ITO SA LAHAT NG ATING KASAMANG OFW AT MAGING SA MGA
KAMAG-ANAK NATIN NA NASA PILIPINAS.

HINDI PO TAYO NAMUMULOT NG SALAPI PARA NAKAWIN SA ATIN NG MGA WALANG PUSONG NAGPAPAKILALANG ALAGAD NG BATAS ANG
SALAPING ATING PINAGHIRAPAN, PATI PO ANG MAGANDANG PANGALAN NATIN AY KANILANG
SISIRAIN.

Ito po ay nangyayari sa lugar ng Bulacan, Laguna, Antipolo, Bataan , at
Quezon City ..

7 comments:

Dezz said...

My goss sis, this is scary. I know this really happens. Thanks sa info!

musta kana sis? Me, ok lang sobrang bz sa work kaya minsan nalang makapag blog hop..

Cecile said...

thanks for sharing this warning, Michelle; this goes out to us to those who live overseas like us though we are not working.

Lynn said...

scary! pero it's not something new na jud diri sa atong nasud. pastilan!

傷害 said...

Always keep your words soft and sweet, just in case you have to eat them.............................................

Gorgeous MUM said...

That is frightening! People nowadays are getting desperate!

Michelle said...

It's really scary, people are getting desperate. I may eat the words I said but change is not always bad.

Michelle said...

@ 傷害: I'm sorry but I have to reject your comment coz I did not understand what you wrote. I'll publish your comment if you use English, Bisaya or Tagalog.